Other Sites:

Balik Tuition Program ng Sun Cellular, nagbabalik!

 Published on Jul 18, 2013
Muling ibinabalik ng Sun Cellular ang “Balik Tuition” promo para sa mga prepaid subscribers nito.

Muling ibinabalik ng Sun Cellular ang “Balik Tuition” promo para sa mga prepaid subscribers nito.

Mula sa promo na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga prepaid subscribers ng Sun na makakuha ng tuition fee rebate na hanggang P30,000 sa kasalukuyang school year. 12 winners ang maswerteng manananlo ng tuition fee rebate sa grand raffle.

Bukod sa cash prize, maaari ring mag-uwi ng Alcatel T10 tablets ang 12 pang subscribers. May P1,000 worth of Sodexho gift certificates na pwedeng gamitin sa napakaraming mga establishments nationwide ang ipamimigay kada-linggo sa 72 na subscribers.

Napakadaling sumali sa promo na ito. I-text lamang ang TUITION <space> PANGALAN/ADDRESS/LOCATION CODE sa 248 para mag-register.

Maaari ring magkaroon ng raffle entries sa kada P25 worth ng credits na ilo-load via Xpressload o call card. Ibig sabihin, kung maglo-load ka ng P50 ay meron ka nang dalawang raffle entries.

Bukas ang Balik Tuition Promo sa mga sumusunod na areas: NCR (NCR), Bulacan (BUL), Pampanga (PAM), Nueva Ecija (NUE), Pangasinan (PAN), Cavite (CAV) Laguna (LAG), Cebu (CEB), Negros Occidental (NOC), Negros Oriental (NOR), Davao del Sur (DAV) at Misamis Oriental (MOR).

Hanggang July 29, 2013 lang ang promo na ito kaya mag-load lang nang mag-load para mas lumaki pa ang pagkakataong manalo!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang www.facebook.com/suncellprepaid o i-Follow ang www.twitter.com/suncelldeals.

Top