Other Sites:

Mas Sulit ang Usapan sa Pamilya at Kaibigan Abroad sa Bagong Sun Todo ITXT30

 Published on May 05, 2014
Di na kailangang tipirin ang pakikipagkamustahan at pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kamag-anak mo abroad.

Di na kailangang tipirin ang pakikipagkamustahan at pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kamag-anak mo abroad. Isa na namang best value offering ang inilabas ng Sun Cellular - ang Sun TODO ITXT30. Sa pamamagitan ng Sun Todo ITXT30 ay maari nang magsend ng hanggang 20 text message sa ibang bansa sa halagang 30 pesos lamang valid for 1 day. Todo na ang kamustahan sa mas pinababang international text services ng SUN, lalo na para sa mga may mahal sa buhay na OFWs!

Bukas ang bagong service offering na ito sa lahat ng prepaid subscribers ng Sun Cellular. At dahil pumapatak lamang sa P1.50 ang bawat text sa ibang bansa ay siguradong pasok ito sa budget ng lahat. Ngayon ay di na mabibitin ang mga Sun subscribers sa pakikipagusap sa mga kamag-anak at kaibigan nila na nasa mga bansang sakop ng Sun Todo IDD tulad ng US (main), Canada, HK, SG, China, Hawaii, Guam, Australia, Taiwan, Malaysia, South Korea, Macau, Thailand, Brunei, Northern Marianas, India, Japan, Italy, Bahrain, Kuwait, Saudi Arabia, UAE, UK, Indonesia, Spain at France.

Maaring ma-avail ang bagong service na ito sa pamamagitan ng Xpressload o via load conversion. I-text lamang ang TODOITXT30 sa 247 at maaari nang makausap ang mga nasa abroad sa murang halaga. Madali lang ding i-monitor ang balance sa ITXT sa pagdial ng *221# at manonotify ka kung magkano ang natitirang regular at Sun Todo ITXT30 credits.

Mananatili namang nasa P5.00 kada text sa mga bansa na di sakop ng Sun Todo IDD Service.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang Facebook www.facebook.com/suncellularph at Twitter @suncelldeals.

Top